DSOP-JCSV 728 TENANTS ASSOCIATION, INC.
UNIT 107 BLDG-A JCSV, PUNTA, STA.ANA, MANILA
SEC.REG.No. CN201007386 / TIN No: 007-765-046
Contact no. 09278220267/ E-mail add: dsop728tenants@gmail.com
January 27, 2012
PARA KAY PRRC CHAIRPERSON REGINA LOPEZ:
Mga katanungan at kahilingan ng samahang DSOP tungkol sa paninirahan sa 728 Housing Project ng PRRC mula sa katatapos na meeting ng DSOP officers at Mr. Simon Aguilon at Engr. Penaflor nuong January 25 sa PRRC Main office:
1. Bigyan ng madaliang action ng Encabo Contractor at DPWH ang pag-gawa ng structural testing (coring test) sa 4 na buildings.
Hindi pa din natutuloy ang naging kaisahan na repairs sa mga cracks ng kongkreto at umuugang pipe railings, linya ng tubig at water tanks at electrical wiring.
2. Ayon kay Mr. Aguilon ng PRRC mahigit 50% na ang usapan ng PRRC at NHA tungkol sa Estate Management, saang yugto na ang usapang ito?
3. Dapat kilalanin kami ng Serviam at PRRC, na organisasyon ng mga taga-tabing ilog sa Punta, bago pa man maglipatan sa JCSV at may karapatan at tungkuling mamuno sa kasapian nito.
4. Dapat mapalitan kaagad ang pamunuan ni Ms Noemi Balaan na tahasang nauuna sa pagawa ng unofficial at sariling regulasyon at direktiba na lumalabag sa karapatan ng mga naninirahan; madalas na pananakot ng papapaalis sa tirahan; pag-wawalang bahala sa direktiba ng DPWH na bawal magpabigat o magdagdag ng ceramic tiles/semento sa mga sahig dahil sa mga nakikitang cracks.
Patuloy ang mga pagdagdag na pabigat na patakaran sa mga units; patuloy din ang pagpapatira sa mga yunit lalo na sa gabi.
5. Ano ang karampatang Entitlement (ayon sa RAP) ng mga 728-ISF dahil sa Lost Assets, pagkagiba ng bahay at pagkawala ng hanapbuhay. Paano ang assistance sa mga Low-Income ISF? Plano sa Livelihood Program at Micro Credit?
6. Kailan magkakaroon ng pakinabang ang mga 728 ISF sa kinikita ng Serviam sa mga upa ng tindahan sa Carport, bayad sa School ng gobyerno, upa sa parking spaces, upa sa playground ? May 3 pang Slots sa Carport na magagamit sa pangkabuhayan ng mga residente, ngunit wala pa ring aksyon sa ngayon na mapahiram ito ng libre sa samahang DSOP.
7. Kailangan sa 4 na gusali ang mga Emergency Equipments; stretchers, wheelchairs,first aid kits,fire hoses,fire extinguishers, malinis na supply ng tubig at ambulansya. Gawing sanang ligtas ang inuming tubig na galing sa gripo.
8. May Infestation na ng mga ipis daga, anay at iba pang insekto sa dahilang maaring hindi nilason ang lupang pundasyon ng mga gusali;nangangamoy din ang basurahan (MRF) nasa kalsada na binabaha din pag umuulan, naireport na ito kay Engr Penaflor noong miting ng 25 January.
9. Wala na dapat koleksyon o bayad ang para sa security, ,basura, maintenance na saklaw ng RAP, obligasyon ng gobyerno na ibigay para sa mga basic services. Hindi pa rin naipapakita ang Billing ng Bulk Water Meter para na rin malaman kung tama ang dagdag na bayad ng 728-ISF.Ang P500 na naipondo para sa lahat ng metro ng tubig ay hindi na nagkaroon muli ng report kung ito ay nasa Lending Co. pa o wala na.
10. Kailan magagamit ang elevator na nagiging tapunan na lang ng basura?
11. Bakit ginawang pribado ang eskwelahan na dapat ay pampubliko na mapapasukan sana ng mga mahihirap na residente ng 728 housing project?
SA KATAGALAN NG PANAHON, NA ANG MGA USAPING ITO AY HINDI PA NAGAGAWAN NG SOLUSYON, UMAASA PA RIN KAMI NA MABIBIGYAN NIYO ITO NG POSITIBONG TUGON AT AGARANG AKSYON SA DIWA NG PAGTAHAK SA TAMANG DAAN AT SERBISYO PUBLIKO.
MARAMING SALAMAT PO!